Bitaw na

…kung ‘di mo na kaya.

Bitaw na kung nahihila ka na papunta sa lugar kung saan puro luha na lang ang kaya mong ibigay.

Bitaw na kung masyado nang nadurog ang puso mong pagod na pagod na sa mga pangakong napako sa nakaraan.

Bitaw na kasi hindi lahat ng bagay ay kaya mong hawakan, lalo na’t kung ito mismo ang gustong kumawala sa’yo.

Bitaw na sa mga taong walang araw na binigyan ng kapayapaan, sa kasalananang laging pumapagitna sa inyo ng Panginoon, sa sitwasyong lalong gumugulo ng iyong isipan.

Madaling sabihin pero mahirap gawin kasi umaasa pa rin tayo.

Oo, sa puso natin, umaasa pa rin tayo.

Baka bukas okay na. Baka bukas pwede pa. Baka darating din ang araw na magiging maayos ang lahat kahit ‘di ako bumitaw.

Ngunit ilang beses ka na bang nagpakamanhid?

Kahit alam mong pait at sakit lang ang dulot nito, ilan pa ba ang kaya mong tiisin? Isa pa, at sa susunod na pagkakamali, isa pa at gustong sumugal muli. Hindi ka ba nagsasawa?

Gaano na ba katagal?

Ilang oras na ang nasayang mo kakabasa sa mga status niya, umaasang iniisip ka pa niya. Ilang araw na ba ang ginugol mo para isipin kung saan ka nagmali. Ilang araw pa ba ang gagastusin mo para sa walang kasiguraduhang dulo?


Kapatid, baka ang araw na ‘yong hinihintay na maging maayos ang lahat ay ang araw na bumitaw ka na. Dahil ngayon, mas masakit ang manatiling nakahawak sa bagay na hindi sigurado.

Ito na ang panahon para bumitaw dahil may isang taong matagal nang hinihintay upang mahawakan ka ng mahigpit. May isang taong gustong palitan ng pagmamahal ang mga bagay na humahadlang sa’yo.

Bitaw na at hayaang ang kamay na puno ng pagmamahal ang humawak sa’yo.

Bitaw na at hayaan Siyang pasanin ang mga mabibigat na damdaming matagal nang kumulong sa’yo.

Bitaw na at hayaan Siyang dalhin ka sa lugar kung saan ika’y magiging pinakamasaya ant pinakamaganda.

Bitaw na at hayaan Siyang buuin muli ang iyong puso ng mga pangakong kailan man ay hinding hindi makakalimutan at siguradong matutupad.

Bitaw na at hayaan Siyang ibigay sa’yo kung ano ang karapat dapat para sa’yo.

 

 

20180831_004433_0001.png

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s